Friday, August 12, 2005

kapag umuulan at tinatamad ka

picture this...byernes ng hapon. maginaw dahil umuulan sa labas. wala ang boss mo. walang tao sa opisina maliban sa iyo at sa dalawang kasamahan. walang nakaatas na trabaho sa yo. ndi mo alam kung paano mo uubusin ang oras mo. nahihilo ka na sa maya't mayang pagtingin sa orasan. dalawa at kalahating oras pa bago mag alas singko. offline ang mga kaibigan mo sa ym. ayaw mong magbasa ng artikulo sa peyups dahil senti mode ka. anong gagawin mo? di ba parang masarap ang pakiramdam na tumitipa ka sa keyboard ng iyong computer? at bubuksan mo ang iyong blog para magpost? masaya di ba? kaya yan ang gagawin ko ngayon. itatransfer ko ang mga dati kong entries na nakapost sa isa kong blog na balak ko nang idelete pagkatapos. nice...