Tuesday, September 06, 2005

sentimyento ng isang mananaliksik

paano mo mamamahalin ang isang institusyong pilit sumisira sa iyong hangaring makapaghatid ng mumunting pagbabago sa lipunan, o kahit man lang ng konting kaayusan. paano mo iinintidihin, na kahit na anumang pagpipilit ang iyong gawin, ay sadyang may mga taong walang hinangad kundi ang maisulong ang pansariling kapakanan. paano mo pipiliting tanggapin sa iyong sarili, na unti-unti ay nalalamon ka na ng kaisipang "sadyang may mga bagay na mananatili na lamang na ganon..."
ngayon, iisipin mo, sana hindi mo na lamang naiiintidihan ang mga bagay-bagay upang sa gayon ay hindi mo ito problemahin o sana isa ka na lang sa mga taong walang pakialam upang sa gayon ay hindi ka mahirapan. sana....