Tuesday, December 20, 2005

pasq 2005

pagkatapos ng mahaba-habang paghihintay ng masasakyang taksi, papuntang diliman, nakarating din kami nina dez, ava at vhang sa up upang makiisa sa buong sangkaupihan sa taunang pagdiriwang ng lantern parade.

kakaiba ang lantern parade ngayong taon. madaming booths sa buong acad oval. may booth ang bawat college kung san nandun yung lantern nila, meron ding booth para sa pagkain, at meron din namang mga tiangge. yun nga lang, masyadong malaki ang oval kaya nagmukhang kulang at magkakalayo ang mga booth, at nagmukhang konti ang up population para tumao sa mga booth.

ang saya ng parade kahit mejo masakit sa paa at sa batok dahil sa kakahanap ng magandang posisyon. favorite ko ang parol ng wind mula sa college of fine arts. yan yun, yung nasa lower right. pero mas masaya ang fireworks display! yun nga lang, masakit din sa batok tsaka mabaho pagkatapos.

at nung gabing yun, parang lahat positive. ang saya ng mood, ang ganda ng fireworks, ang ganda ng buwan at first time kong ma-appreciate ang carillion. (tama ba spelling?). para itong isang malaking pigurin na nag-eemit ng light. at ang buwan, ang ganda ng pagkakaposisyon sa gitna ng mga ulap. parang tagpo sa isang painting.

ang saya ng pasko...lalo na kung madami kang pulburang naamoy, pakiramdam mo ang saya ng mundo. sana araw araw pasko.

No comments: