Friday, March 21, 2008

bisita iglesia

habang nag-aalmusal kanina, nagkayayaan kami ng kapatid ko at ng housemate namin na magbisita iglesia. plinano naming puntahan ang mga simbahan sa manila dahil bukod sa magkakalapit ang mga ito, maganda pa silang kunan ng litrato.
una kaming nagpunta sa simbahan ng san miguel sa malacanang. bago makarating dito, isa palang mahabang lakaran ang kailangan mong pagdaanan mula st. jude. mabuti na lang at marami ding taong naglalakad kaya hindi ramdam ang pagod. at buti na lang at maraming puno sa loob ng malacanang kaya hindi ganon katindi ang epekto ng sikat ng araw. nakakainis nga lang at ang mga guwardiya sa malacanang ay masyado yatang praning at ayaw pakunan ng litrato ang mga gusali doon. hello, kung alam nyo lang. may dala akong bomba haha
pero nakakatuwa, may nakita akong pangalan ng isang kainan sa loob, STEAK OF THE NATION ang pangalan. hmm...dito ba kumakain ang mga buwaya sa gobyerno kaya feeling nila steak ang kaban ng nation?
pangalawa naming pinuntahan ang st jude. dahil masyado kaming napagod sa paglalakad papuntang san miguel, minabuti naming sumakay sa mga modified tricycle patungong st jude. pero bago yan, eto muna ang nangyari
kapatid ko: manong, magkano hanggang st jude?
drayber: 5o maam
kami: ha?
drayber: singkwenta po, kayong tatlo na dun
kami: mahal! (sabay alis)
drayber: (pasigaw habang naglalakad kami) 40 na lang maam
kami: tuloy pa rin sa paglalakad
drayber: (pasigaw ulit) 30 na lang maam, 30 na lang
kami: (about face!)
natutuwa talaga ako sa simbahan ng st jude. napakaaliwalas. madaming openings, maliit lang, tsaka ang lapit mo sa altar. at higit sa lahat, madaming tindang pagkain sa labas. :P mahal nga lang pero sige pa rin. lafang!
pangatlo sa listahan ang san beda. sa kisame naman ng simbahan ako natutuwa. natutuwa ako sa mga paintings na nandito. para kang nasa sistine chapel. parang gusto mong magdasal ng nakatingala na lang kesa nakayuko. at syempre, paglabas mo, madami pa ring nagtitinda ng kung anu-ano. kakanin, mangga, ubas na 70/kilo (weird ang presyo), panali sa buhok, prayer book, pamaypay, at kung anu-ano pa. nakakatuwa talaga mga simbahan sa pilipinas, parang palengke sa labas.
pang-apat sa destinasyon ay ang san sebastian. dito ako pinakanahirapan sa pagkuha ng litrato. ang dilim sa loob, pero ang silver na retablo ay napakatingkad. basta, wala akong magandang kuha nito.
sa ikalimang simbahang pinuntahan namin, lumipat na kami ng quiapo. at bago kami nakarating dito, napadaan muna kami sa bilihan ng debede at napabili ng mga sumusunod: across the universe, alvin and the chipmunks, love in the time of cholera, atonement, martian child, etc. gusto ko pa sanang bumili ng there will be blood, august rush at no country for old men pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nagtitipid ako sa mga panahong ito.
isa pang medyo hindi ko kinakaya sa quiapo ay ang underpass. may nadaanan kaming 2 mag-ina, yung 1 nasa bungad, yung 1 nasa kabilang hagdan, na parehong dala dala yung mga anak nilang maysakit. halos hindi mo matingnan dahil sa awa at disbelief. biruin mo, nakahiga sa hagdan, mga batang siguro ay teen-ager na (bakas sa mukha) pero dahil sa sakit at sobrang kapayatan (kasintaba lang yata ng wrist ko ang legs nila) ay mukhang 6 0 7 years old sa liit. grabe, parang nakakaguilty na ewan. biruin mo, palakad lakad ka lang, gumagastos sa kung anu anong bagay samantalang ang mga taong ito ay walang perang pambili ng gamot para sa mga anak nilang sobrang seryoso ng sakit. iisipin mo tuloy, wala ka bang kwentang tao dahil inuuna mo pa ang mga mabababaw na bagay at luho mo kesa tumulong sa kapwa mo? hay...
anyway, wala namang bago sa quiapo. madami pa ring tao. pero mas madami ngayon ang naglalakad ng paluhod. at syempre sa labas, andun pa rin ang mga nagtitinda ng kung anu-anong halamang gamot.
pagkatapos nun, intramuros here we come! dumiretso kami sa manila cathedral. dito, medyo nailang ako sa pagkuha ng litrato. pano kasi sa may altar, may imahe ni hesukristo na may pasang krus tapos may dugo dugo pa ang katawan. para tuloy akong wala man lang paggalang dahil ang mga bagay na ito ay dapat dinadasalan at hindi kinukunan ng picture. parang medyo offensive din pag nakikita mo ang mga turista na kung magpakuha ng picture sa loob ng simbahan ay para lang nasa isang tourist spot at hindi sa isang bahay panalanginan. pero ganun kasi talaga tingin nila eh, lalo na kung hindi sila katoliko. naisip ko, ganito din siguro nararamdaman ng mga buddhist monks kapag kinukunan sila at ang mga templo nila ng mga turistang walang pakialam kahit kasalukuyang nagdadasal ang mga mongha. at dito, may nakita akong 1 lalaki na may mahabang lens, syempre natuwa ako. nagpapaka paparazzi ako pero hindi ko sya makunan ng maayos habang kumukuha sya ng picture. kaya naglakas loob ako at tinanong kung ok lang na kunan sya ng picture. may kasama pala. hehe 2 tuloy silang nakunan ko ng picture.
panghuli sa pinuntahan namin ang san agustin. yung ibang tao, pati sa libingan ni miguel lopez de legaspi, nagdadasal. at nagsasign of the cross sila pag nakikita nila yung rebulto. naku, akala nila santo din sya. hehe gusto ko tuloy lagyan ng karatula, HE IS NEITHER A SAINT NOR ONE OF THE MEMBERS OF THE HOLY TRINITY NOR ONE OF THE APOSTLES/DISCIPLES OF CHRIST. SYA AY ISANG KASTILANG MANANAKOP LAMANG.
anyway, the whole experience was fun. although its tiring to say the rosary in every church that you go to, hindi naman sya ganon kabigat. the cross of going through 7 churches, reciting the rosary and the station of the cross is nothing compared to HIS cross. tsaka hello, may food trip, sightseeing at foto trip naman on the side. para tuloy akong nandaya kasi hindi ako masyadong nahirapan. tsaka i didnt do it solely for the atonement of my sins. andun pa rin yung pleasure, yung indulgence. hmmm...

No comments: