Saturday, March 14, 2009

ang huling el bimbo ng bandang kung tawagin ay eraserheads

ika-7 ng marso taong dalawang libo at siyam. pitong buwan matapos ang reunion concert. pitong kilomtero mula sa the fort (joke, gawa gawa ko lang). sa kabila ng aking pamimilosopo sa tigabantay sa gate na ang dala kong camera ay hindi pang-professional dahil maikli lang ang lente (stupid alibi i admit), hindi ako sinuwerteng maipuslit ito sa loob kaya eto lang ang mga larawang nakuha ko.

eto ang view ng stage mula sa gold - a kung san kami naroon.

larawan ng pagal na sapatos (napapagod maging ang sapatos) matapos ang mahigit tatlong oras ng pagtayo.

larawan ng basyo ng softdrink na tinungga ng uhaw na tigahanga.

mga tigahangang umaasang may kasunod pa ang 3 for the road.

mga tigahangang tanggap na wala na ngang pangalawang encore

whats left of the ticket. at ng aking naiuwing memorabilia. 2 piraso ng confetti na dumapo sa aking bag.the look of tired yet satisfied fans after more than 3 hours of standing, swaying, shouting, etc. yung iba, kakatagpuin na lang sa labas.

No comments: