Tuesday, July 31, 2007

all is well

its over. finally, im done. i just finished reading book 7. fine! i wont write anything about the story so as not to spoil the excitement of those who are still reading it.

yeah, its a good book. harry's saga had a good ending. but the epilogue was too good that it bordered to 'cornballism'

reading the last book was really quite an experience. its not for the frailhearted. ok, i might be exaggerating but, hey thats how it was for me. i was into tears after reading just a few chapters. the 'escape' to the burrow was really a page-turner, and so was every part of their journey. i think that the start of the battle at hogwarts was a bit funny though. well...
finally, its over. all is well.
harry potter fans, no more book launching to look forward to. no more anticipation. gone were the days when we would ask about reservations at national or powerbooks or fully booked. we all have the complete set now, nesting in our bookshelves waiting to be summoned again. accio, book 1!
------------------------
its also over. after 5 long years, my phone, together with my sim, finally gave up. just like my hypothesis about harry and voldemort, the 2 tried to outlast each other. but here, both gave up. so im back to my pre-cellphone days. i dont know when would i buy a new one but im sure not in the next few days. it actually feels quite good not to have a phone =) no distractions

Wednesday, July 18, 2007

despedida

huuyy, picture daw. tingnan nyo, si pinky tsaka si mau lang nakatingin.


o ayan, may energy na sina dangs at nanie. kaya lang etong kamay ni mau, panira.


o eto na talaga


eto ang despedida ni pinkee aka blue aka mara *wink wink* evil grin*

hulaan nyo kung anong paboritong kulay nya.

see you around pinks!

Tuesday, July 10, 2007

may dahilan kung bakit ko pinost to....


kasi nakita ko ulit si beatles crush ko! haha

grabe hirap talaga pag windang sa buhay. makapag-aral na nga =)

Wednesday, July 04, 2007

sabado sa cubao


we had our surprise party for dez last saturday and im glad the gang was complete. we had dinner at bellini's where olie took nice shots and coffee at gj where he took more nice shots. we had our usual 'presentation of gifts' and laughed our hearts out at the special gift from the 3. artistic abilities were put to test with the scrapbook making contest which, of course, lala aced. we stayed there until the crew told us that they were about to close.

after a looooong prodding, lala finally agreed to take us to pasig where we drank and talked till morning. peer pressure worked for kim that time so we had free breakfast at jollibee. but it was only 530 in the morning and breakfast wont be served until 6. nice! so we waited again and after some time, we finally had breakfast.

it was a nice way to spend the weekend. after about a year or 2, we were again complete. and we had nice photos to remind us about the fun that night =)

tinedyer

may crush ako ngayon. noong lunes, nakasabay ko sya sa fx at magkatabi kami sa likod. kaya lang, ginawa nya akong tigapaypay. hmpf! kakainis kasi si mamang drayber, hindi inaayos ang sasakyan kaya ayan tuloy, ang hina ng aircon sa likod. magmula yata cubao hanggang makati, hindi ako tumigil sa kakapaypag.

anyway, mabalik tayo kay crush. hindi sya gwapo. hindi ka magsesecond look dahil sa mukha nya kundi dahil sa get-up nya. laging naka-jeans at naka-rubber shoes. hindi sneakers ha, yung rubber shoes na mukhang pangbadminton. tapos madalas na naka-batik na shirt at naka-backpack. tapos naka-earphones. ironically, ayoko kay jake cuenca pero narealize ko kamukha pala nya. argh!

una ko syang napansin nung makatabi ko sya sa sasakyan. pagkatapos yun noon ng UAAP championship between ateneo at ust. may hawak kasi syang inquirer na nakabandera sa sports section ang pagkapanalo ng ust. sabi ko sa isip ko, uy nagbabasa sya ng dyaryo. medyo maayos ang suot nya noon, jeans at shirt na may collar. tapos napansin ko ang buhok nya, buhok beatles. sabi ko, hmmm kakaiba. kasi sa pila, ang mga lalaki, nakaMakati get-up: plantsadong pantalon, plantsadong long sleeves at makintab na leather shoes. eh syempre ako, i have an eye for people who dare to be different.

tapos ayon, lagi ko syang nakakasabay sa pila pag medyo late na ako. pero lately, maaga na ako pumapasok kaya hindi ko na sya nakikita. kaya natuwa ako noong lunes. hindi ko nga napansin na nasa likod ko pala sya. nakita ko na lang sya noong pasakay na ako at sya ang kasunod ko. hay, kilig! gusto ko tuloy kumanta ng...

love, love, love
there's nothing you cant do that cant be done
nothing you cant sing that cant be sung
nothing that you cant say but you cant learn how to play the game
its easy........

all you need is love
all you need is love

minsan...

aalis na si blue. magreresign na din si green guru. si henyo gustong lumipat. si kulot naman, nasa puso talaga ang paglipad. si kanang-kamay, naiisip na din ang pag-alis. sa tingin ko, pati sina prinsesa at pintasera din. sabi ni dory, nalulungkot siya kasi paunti-unti nang lumiliit ang kulto. ako man nalulungkot.

naaalala ko ang mga panahng pinag-uusapan lang namin sa hapag-kainan ng j5 ang pag-alis. at bago pa man namin mamalayan,isa-isa na naming tinahak ang landas upang harapin ang mga panibagong hamon ng aming kanya-kanyang buhay.

sabi ko nga kay dory, ganoon siguro talaga paglipas ng panahon. hindi maiiwasan ang pagbabago na minsan ang kaakibat ay pagsasarili ng mga magkakaibigan.

kasabay ng paglawak ng ating mundo ang pagbuo ng mga bagong samahang magiging bagong kaagapay sa pagtahak sa buhay. at ang magiging batayan nga ng magandang samahan ay ang kakayahang mapanatili ang ugnayan. totoo nga, ang mahalaga ay hindi ang patutunguhan kundi ang mga karanasan at ang mga kaibigang nakasama sa paglalakbay.



ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
sanay's huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
---minsan, eraserheads