Sunday, November 25, 2007

ang lungkot


‘Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon
At ngayon ako ay iyong iniwan
Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam
Sana’y nagtanong ka lang
Kung ‘di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam
Kay tagal na panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako’y nagkasala patawad na sana
Puso kong pagal ngayon lang nagmahal

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman
‘Di mo lang alam
Ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

‘Di mo lang alam
Kahit tayo’y magkaibigan lang
Napapaligaya lang sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako’y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako
Ay tunay na bigo sa laro na ito
Ay dapat bang sumuko
Sana hindi ka lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako’y masasaktan ng ganito
Sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

‘Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s’ya na lang
Sana’y ako naman
Isang kindat man lang
‘Di mo lang alam
O, ika’y minamasdan
Sana iyo’y mamalayang di mo lang pala alam
Oooooooo

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
Di mo lang alam
Ako’y iyong nasaktan
---up dharma down
sa wakas! tagal ko ding hinanap to. laging out of stock.

Sunday, November 18, 2007

pasko na

after our dance practice last thursday, henyo, prinsesang labandera, right hand ni green guru, and jen (kalimutan ko code mo) and i went to dinner at buendia. we passed by makati ave and got a bit disappointed by the christmas lights on the street. kulang sa kislap. but when we got to buendia and got out of the car, putik, ang lamig! damang dama na ang kapaskuhan =)

========

deck the halls with boughs of holly



fa la la la la la la la la


tis the season to be jolly



fa la la la la, lala la la

Monday, November 05, 2007

craziness

lately, madalas kaming gumawa ng mga kalokohan sa opisina. una, it involved these cute iPods that were making for the christmas party that we're organizing. eto ang nangyari.

dory and i were making prototypes of iPods na gagamitin para sa party. una naming nagawa, yung kulay fuschia. putik! ang ganda! syempre naaliw kami sa pinakita namin sa iba. "huwaw!", anila. sila man ay napalatak din sa ganda. mukhang totoo. animo'y isang malaking iPod video. at dun na nga nagsimula ang lahat.

dagliang kinuha ni henyo ang earphone ng kanyang totoong iPod video at isinuksok ang plug sa iPod styro. ang earpiece naman ay isinuksok sa kanyang tenga at umindak indak na animo ay may pinapakinggan. at doon umilaw ang bumbilya sa aming mga bumbunan. hmmm...magandang kuwento ito.


unang biktima. si aida. habang seryoso sya sa pagtatrabaho, sumilip kami ni dory sa kanyang cubicle at sinabing ipaparinig sa kanya ang gagamiting tugtog para sa aming sayaw sa party. inilipat ko sa kanya ang earphone habang ang iPod styro ay nakatago sa aking likod. wala syang marining aniya. sandali lang lakasan natin, sabi ko. at saka inilabas ang iPod styro sa pagkakatago. isang malakas na hagalpakan ang sumunod.

at madami pang sumunod na biktima pagkatapos ni aida. may mga nakikisakay at talaga namang dumadialogue ng "lakasan mo pa hindi ko marinig!" sabay indak. meron din namang, "P ka!" ang sagot sa amin. ngunit ang pinakamatinding sagot, "ano ba ito?" haha ako yata ang nagulat doon.

=====

at ngayong hapon lang, eto naman ang sumunod. ako ang unang biktima. inalok ako ng aking boss ng lechon. ngunit bakas sa kanyang mukha ang kakaibang ngiti kaya ako ay nagduda. at aha! tama nga ang aking pagdududa! may maitim silang binabalak sa akin.


syempre hindi ako papayag nang hindi ko naikakalat ang magandang balita. gusto nyo ng lechon? hmmm...sino kaya ang magandang biktima? si polar bear, si polar bear! sabi ng boss ko. tumpak! sabi ko.

kaya agad akong tumungo sa cubicle ni polar bear na kasalukuyang abala sa pagdodokumento ng kanyang mga, ahm, dokumento.

polar bear, polar bear! gusto mo ng lechon? sabay bukas sa takip na foil. huwaw! aniya. si dory naman, humahangos na nagsabing, "give me give me!" at paglapit nila, bwahaha lechon ha!



kayo, gusto nyo? iPod o lechon de leche? place your orders now!

Sunday, November 04, 2007

geographical change

We are transferring. After a year of being here, we will again transfer to a farther location. Huhu And last year, we thought that transferring here would be like hell since we were like relocating from the downtown to the suburbs. But this transfer is worse. Imagine relocating to Timbuktu. *sob*

Transfer = major adjustments. *wail*

Im dreading the idea of…
-Getting up at 530 instead of 630
-Waging an all out war against fellow commuters just to get inside the MRT instead of taking the FX (which also means Im not gonna see Beatles guy anymore *another huhu*)
-Taking an 8-5 work shift.
-I don’t know yet which route to take to get to school.
-Following the standards for corporate grooming since we will be on the same floor with the President, i.e. dressing up and wearing heels every single day which is a major nightmare for me. I want my flats!

On the other hand….
-The elevator will be bigger. (babaw ng kaligayahan ko)
-There is a CANTEEN! (we don’t have one right now)
-The building is not exclusively used by the Company, i.e. mas madaming taong masisilayan. *grin*
-Dampa is just a stone’s throw away.

I hope I can survive school and work with this major geographical adjustments.
And I hope the pros will outdo the cons :)