Monday, September 28, 2009

ondoy

saturday morning, i woke up at half past 6 when my parents arrived. ang dilim! nagbabadya ang langit ng matinding pagbuhos ng ulan.

so the usual routine, nag-ayos kami ng mga dala-dala ng parentals. after that, we had breakfast. at around 8, kuya and the parentals left the house. hanggang binti na ang baha. so i texted my boss and told her that im not going to work because of the flood.

bandang tanghali, tumawag ang inay informing me that they were not able to go to the jobsite because the roads are unpassable. they were stuck in traffic in santolan and kuya tried other routes pero wala pa rin. so ayun, nag stay sila sa bahay nina ate raquel which is just 2 streets away from us.

meanwhile, this is how it looked like sa amin around 2pm.at around 3, ganito na.

yang red na orocan, lalagyan ng basura yan. so. hmm medyo kadiri hehe

at yan, onti na lang, abot na sa bintana ng kapitbahay namin ang baha.

eto ang gate namin. syempre puro ganito shots ko kasi ayoko bumaba. yung nasa baba, inakyat na sa amin yung gamit nila. i also cooked lunch for them. tapos yesterday, sunday, on our 3-hr trip from cubao to masinag, eto ang mga nadaanan naming tanawin. from c5 pa lang to sm marikina, you could see a lot of janitor fish on the road, sa may flyover. tapos pagdating ng marikina, nagpaikot ikot kami sa loob ng marikina because we were not able to pass through marcos highway. here, you can see a crv na nakahambalang sa poste at binaha hanggang bubong. kitang-kita pa ang putik sa bubong.eto pa ang isa. parang twister.at eto pa. nakabaligtad na mga sasakyan.

eto pa ulit. tsk tsk..so sa loob ng mahigit 2 oras, puro ganyan ang nadadaanan namin. mga malalaking bahay na nakabukas, nasa labas ang mga gamit nila at punung-puno ng putik. there were still areas with knee-high water. lahat ng madadaanan, makikita mo ang epekto ng baha. tindahan ng 7-11 na nakatagilid ang cash register at magulo ang paninda, tindahan ng bigas na mukhang nabasa lahat ng stock, jollibbee branch na madumi sa loob, drugstore na nasa lapag mga swero, mga basura na natrap sa bakod ng school, at kung anu-ano pa.

there was even a point wherein we had to pass through knee-high waters. sabi ni kuya, pag yang adventure, tumulo, tutuloy tayo. eh tumuloy si adventure, so tumuloy din kami. when we got to the other street, uh-oh, wala ding lilikuan haha so ayun, buti na lang mabait ang sasakyan at hindi tumirik.

tapos kanina, monday morning, on our way back to cubao, there were garbage everywhere. marcos highway was already ok. sa labas ng town and country, puro sasakyan. sa labas ng bawat subdivision na madadaanan, puro sasakyan. sa mga talyer at carwash, puro sasakyan din. sa may sm marikina, kitang kita ang basura. yung mga kalabaw sa riverbanks, puro basura. tsk tsk

its like mother nature saying, eto na basura nyo. binabalik ko sa inyo. ayusin nyo na ha.

hay, when nature strikes back, no one can escape from it.

No comments: