Monday, September 12, 2011

home is where the heart is: kwentong tahanan at bayan

pauwi ako ng pilipinas noong nakaraang semestre ng unang pumasok sa utak ko ang kabalintunaan ng salitang home. sa manila, sa cubao kami nakatira ng kapatid ko. pero ng buwang iyon, nasa probinsya sya. kaya sabi ko sa sarili ko, paano ko sasabihing im going home, eh wala namang tao sa bahay?
===
noong mayo, nagbakasyon ako sa ate ko na hindi na nakatira sa pilipinas. nagkataong nakatira din sa kanya noon ang nanay at kapatid ko ngunit ako lang ang uuwi. walang direct flight pauwi ng maynila at kailangan kong magtransit sa hongkong. habang nasa hongkong ako, naisip ko, tama bang sabihin kong pauwi na ako? pero sino ang uuwian ko? ang mga uuwian ko, iniwan ko sa pinanggalingan kong banyagang bansa. masasabi ko bang uuwi ako kahit bahay lang ang dadatnan ko?
===
noong unang araw ng setyembre, nakakita ako ng 3 bintana sa isang HDB building na may mga christmas light. sa ingles, madaling sabihing i miss home. pero anong home nga ulit ang tinutukoy ko? hindi ko alam. walang tao sa bahay namin sa probinsya. iniwan na namin ang nirerentahang apartment sa cubao. asan na ang home ko? siguro dahil andito ako, madaling sabihing ang home ko ay pilipinas. uuwi ako sa pilipinas. pero pag asa pilipinas na ako, ano ang tatawagin kong home?
===
meron akong isang kaklase na madalas magreklamo sa fb na hindi na daw nya maramdamang home ang bansang ito dahil sa mga banyagang katulad ko. at kamakailan lamang, sabi nya pupunta daw sya sa isang bansa kung saan nararamdaman nyang at home na at home sya. bat kaya hindi na lang sya pumunta dun eh at home naman pala sya dun?
===
mahirap din pala ang walang permanent address. umalis ako sa probinsyang kinalakhan ko nung labing-anim na taong gulang ako. umalis ako sa cubao na kumupkop sa akin ng labintatlong taon. at ngayon, pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa isang bansa kung saan maraming mamamayan nito ang galit sa mga kapwa ko banyaga. uuwi na lang ba ako?

hmm ayoko nga. bakit ba, sila din naman hindi taal na tiga dito ah.ah basta, the world is my home.

No comments: