hindi ako makapagsulat ng maayos lately. bat kaya?
ok fine, makapal lang talaga ang mukha ko. feeling ko writer ako and im having that writer's block. yeah right, as if naman ang galing kong magsulat before eh, no?
pero dati naman nakakapagsulat ako ng [feeling ko] maayos ah. tapos dati kahit ordinaryong pangyayari lang sa buhay ko, nakukwento ko ng maayos. hanggang sa pinakamaliit na detalye ha. natutunan ko to sa 199.1 eh. thick description baga. kaya na-appreciate ko ang ginawa namin sa paper namin kay aquino. ikwento mo ba naman ang mga pangyayari sa edsa dos. at hindi lang basta kwento ha, dapat mailarawan mo din kung anong nafifeel mo sa oras na yun, kumusta ang environment, ano nangyayari sa paligid habang nakikipag-usap ka sa kaibigan mo, at marami pang iba. eh ilang araw yun di ba? so ayun, kaya kung magkwento ako [noon], hay maiimagine mo kung ano talaga nangyayari. pero ngayon, huhu...
ay, isang hypotheses ko nga pala. pumupurol na ang memory ko. di ba sabi nga nila pag hindi mo laging ginagamit ang utak mo, pumupurol ito? feeling ko nangyayari sa akin ngayon ang epekto nito.
argh, feeling ko nadevelop ko to sa dati kong trabaho (gosh, blamestorming, thanks vhang hehe). pero feeling ko talaga kasi pag naiiinis ako dati sa mga taong tanong ng tanong, ang sagot ko hindi ko alam. kung may kausap akong hindi ko gusto, i would pretend na hindi ko alam ang itatanong nya. magaling akong magtanga-tangahan. eh syempre di ba, to cut the inquiry and the conversation, eh di magkunwari ka na lang na hindi mo alam. hanggang yun nasanay na ako sa kaka-"hindi ko alam", madalas tinatamad na ako mag-isip kaya eto tuloy, wala na ako maisip. hay...bad karma. haha
hopefully, tumalas ulit ang aking memory at utak in general sa aking pagbabalik-eskwela. i welcome all those cerebrally-stimulating activities. go, pasulatin nyo ako, paisipin nyo ako ng malalim, tanungin nyo ko ng mga bagay na pag-iisipan ko talaga. yung tipong hindi ka makakatulog pag hindi mo maisip ang sagot. or yung 1 linggo mong pag-iisipan kung papaniwalaan mo ba sya o hindi. invoke the spirits! ay mali, ano na sinasabi ko.
eh paano na yan, ngayon pa lang disillusioned na ako sa solair. hay pero sabi ko nga, 2 saturdays pa lang ako pumapasok. let's see...
No comments:
Post a Comment