nagsimula ang lahat sa yahoogroups ng klase namin.
meron akong isang kaklase, humihingi ng syllabus sa prof namin. at ang pangalan nya, che guevara. hi klasmeyt!
una kong naisip. astig ah! rebolusyonaryo ba ang mga magulang nito at since guevarra ang apelyido nila, ginawa na nilang che ang first name ng anak nila or is it just pure coincidence?
anyway, inacknowledge syempre ng prof ko ang pagkarebolusyonaryo ng pangalan nya and he said he's happy to have a revolutionary in the class and was asking which among che's ideas he likes most?
unfortunately, hindi nya kilala si che =(
so may isang myembro ng grupo (mula sa dating klase ni sir) who was kind enough to share some info about che. at syempre what can i share, eh di pop info hehe ang pelikula ni gael garcia bernal na motorcycle diaries. :p
at ngayon lang, sabi ni klasmeyt, mukhang magpapalit na sya ng email kasi kinikilabutan na sya kapag naririnig na nya ang pangalang che guevarra.
klasmeyt wag! pero panindigan mo paggamit mo sa pangalan nya haha (just kidding)
============
grabe kapitalismo no? igigisa ka sa sarili mong mantika. naforesee kaya nina mao at che na gagamitin ang mga mukha at imahe nila hindi sa paraang gusto nila kundi sa paraang gusto ng mga nilalabanan nila? inakala kaya nilang makikilala ng mga ordinaryong kabataan ngayon ang mga imaheng ito bilang mga mukha lamang sa tshirt?
hay....
(ang mga imaheng ito ay mula sa internet)
No comments:
Post a Comment