Tuesday, August 21, 2012

RIP

i heard sec robredo was a good man. ive read news about him before. and his passing is really a loss to our country.

===

i was on my way to the toilet earlier when i saw some students in the pantry. i waved and one of them confirmed that i was working for my boss. when i said yes, she readily knew that i didnt know yet. and she broke the news that my boss passed away last sunday. heart attack.

it is surprising. really. i was supposed to meet him at 2pm. that's why i was on my way to the toilet. to freshen up for the meeting. we have a lot to talk about. he is supposed to tell me what data to gather next. and i was supposed to ask when would he want to have the meeting with one of our point persons. after two months of coordinating, we are moving forward with our project.

but life has other plans.

===

may they both rest in peace.

Monday, August 06, 2012

Reproductive Health Bill

binasa ko ulit kanina ang kopya ng reproductive health (RH) bill na kasalukuyang pinag-uusapan sa kongreso. at upang malaman din ng iba pang pilipino kung ano ang nakasaad sa inihahaing saligang batas, malaking bagay sana kung basahin ito ng buo kesa ibatay lamang ang opinyon sa mga nababasa o naririnig tungkol dito.

narito ang kabuuan ng kontrobersyal na RH bill.

medyo mahaba sya(24 na pahina) ngunit madaling maintindihan. at salungat sa mga sinasabing dahilan ng mga kumokontra dito, hindi itinataguyod ng batas ang "paglaglag" (abortion). para sa akin, ang mga pinakaimportanteng punto ay ang mga sumusunod:

Sec 3. Guiding Principles

f) The State shall promote, without bias, all effective natural and modern0methods of family planning that are medically safe and legal

j) While this Act recognizes that abortion is illegal and punishable by law, the5government shall ensure that all women needing care for post-abortion complications shall be treated and counseled in a humane, non-judgmental and compassionate manner

SEC. 16.Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality 0Education. -Age-appropriate Reproductive Health and Sexuality Education shall be1taught by adequately trained teachers in formal and non-formal education system starting from Grade Five up to Fourth Year High School using life skills and other approaches...

Age-appropriate reproductive health and sexuality education shall be integrated in all relevant subjects and shall include, but not limited to, the following topics:

a) Values formation;
b) Knowledge and skills in self protection against discrimination, sexual violence and abuse, and teen pregnancy;
c) Physical, social and emotional changes in adolescents;
d) Children’s and women’s rights;
e) Fertility awareness;
f) STI, HIV and AIDS;
g) Population and development;
h) Responsible relationship;
i) Family planning methods;
j) Proscription and hazards of abortion;
k) Gender and development; and,
l) Responsible parenthood.

Friday, August 03, 2012

biyernes na!

sumama ako kaninang tanghalian sa mga kasalamuha kong estudyante dito. lahat sila ay tiga-tsina at ako lamang ang pilipino. isa sa kanila ang nanlibre para sa pagbabalik ng kanyang asawang galing alemanya at isang taong nanatili doon bilang isang exchange student.

unti-unti na kong nasasanay sa pagkaing szechuan ngunit ito pa rin ang pinakagusto ko sa lahat: dried fried string beans.



Thursday, August 02, 2012

for sojourners...


A Place to Lay my Heart

i read this article on a friend's wall yesterday and it just hit me hard.

Wednesday, August 01, 2012

ang agosto...bow

1. isang taon mula ng ako'y matutong umawit...mali, mali. hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong umawit. ulitin natin.

isang taon na pala mula nang ako'y magpaalam sa aking dating trabaho upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito. limang taon din akong nanatili sa kanila (1 taon nito ay nakabakasyon bilang estudyante) at sa loob ng limang taong iyon, marami akong pinapagpapasalamat: kaibigan, kasanayan lalo na sa pakikitungo sa mga tao, at libreng biyahe.

ngayon 3 buwan na ako sa aking bagong trabaho at kasalukuyan ko pa ring sinasanay ang aking sarili sa bagong kapaligiran. may mangilan-ngilan na akong kabatian ngunit wala pa ring maituturing na malapit na kaibigan. hay nakakalungkot. kaya kailangang maging mas palakaibigan! kailangan kong matutunan ang kasanayang iyon!

2. 3 taon na mula ng pumanaw ang dating pangulong cory aquino. naalala ko, umuulan noon ngunit sumuong kami ng aking kaopisina upang makita ang kanyang labi. mahaba ang pila at medyo mataas ang baha ngunit tumuloy pa rin kami. isang pambihirang karanasan! (mababasa dito ang aking sulatin tungkol sa aming karanasan)

3. sumulat ako sa aking mga kaibigan gamit ang wikang filipino kanina at ito ang naging resulta, mga likas na makata :)

"Ngayon din pala ay ikatlong taon ng kamatayan ni Corazon Aquino. Taon na rin pala ang binilang noong sinuong natin ang Maynila masilayan lang ang kanyang labi "

"ako ay buhay pa naman dapatwat ang mga dpat gawin ay prang bagyo na di mapigilan bglang bumubuhos.. prang mga alon sa baybayin ng maynila na humahampas sa panirangtubig (breakwater)"

"Nakita ko nga ang iyong sinulat sa pader ng Facebook. Sana magtagumapy ka sa sa iyong mithiin na gamitin ang ating wika ng buong buwan. Nawa'y hindi magdugo ang iyong ilong. Binago ko nga pala ang nakasulat na paksa sa liham na ito upang maging akma sa ating pag-uusap."

"karumaldumal naman ang inyong naranasan na paglubog sa napakaruming tubig..na puno ng mga rumi ng daga, aso, pusa...buhangin..lupa..putik...at kung anu anu pa"

TWN (tumatawa ng malakas).

buwan ng wika

(http://guroako.blogspot.sg/2012_06_01_archive.html)


alam ng bawat pilipinong lumaki sa pilipinas na ang pagdating ng buwan ng agosto ay nangangahulugan ng pagpasok ng buwan ng wika. noong ako ay nasa elementarya, naaalala kong madalas ay may pagdiriwang na isinasagawa sa aming paaralan. kung anu-ano ang mga aktibidades na iyon, hindi ko na maalala. ngunit malinaw sa akin na bawat taon, isa ako sa mga may hawak ng gunting at gumugupit ng mga naglalakihang letrang ipapaskil sa entablado para sa pagputong ng korona para sa mga napiling ginoo at binibining buwan ng wika.

ngayong ako'y nasa ibayong dagat, ingles ang wikang aking ginagamit sa pagsusulat maging sa pakikipag-usap sa mga bagong kakilala at kaibigan. malaking tulong ang pagiging bihasa sa wikang ingles ngunit iba pa rin ang ginhawang (?) idinudulot ng pagsasalita ng sariling wika sa pakikipag-usap.

noong ako'y nasa kolehiyo, madali para sa akin ang pagsusulat ng sampung pahinang papel gamit ang wikang filipino. ngunit ngayon, nahihirapan ako sa aking ginagawa. ilang beses na akong sumangguni sa google translate para sa tatlong talatang sulatin! hindi ba ito isang kabalintunaan?

kaya ngayon, sa buwan ng agosto, tatangkain kong sa bawat sulating aking ilathala sa pahinang ito at sa facebook ay pawang filipino lamang. hindi ito pagtalikod sa wikang ingles ngunit isang pagsisikap na maibalik ang aking pagiging komportable sa pagsusulat sa wikang filipino. sana'y swertehin ako sa aking mithiin :)