pwede bang tigilan na natin to? tigilan mo na ako. huwag mo na akong tawagan. huwag ka ng magtext. huwag ka ng dumalaw. pwede bang tuluyan ka na lang maglaho sa buhay ko? lalo na kung wala din namang patutunguhan to.
lagi mo kong sinasabihan na hindi ko pa nararanasang masaktan at mabigo. pero nakalimutan mo na ba dati? nung sinaktan at binigo mo ako? matagal din bago kita nakalimutan. mahirap pero kinaya ko. ayokong sabihing naging masaya ako para sa yo. para sa inyo. pero sa maniwala ka't hindi, wala akong inisip at ginustong masama para sa inyo.
tapos nung iniwan ka nya, abot hanggang langit ang galit mo. pakiramdam mo, ginago ka, niloko, kinawawa at kung anu ano pa. hindi ko man inisip pero sumagi sa utak ko, siguro sya karma mo.
tapos ngayon, ngayong maayos na ko. ngayong masaya na ko sa buhay ko, tsaka ka na naman manggugulo. para saan na naman ba ang mga pagtawag tawag mo. ang mga araw araw na text mo. ano na naman ba gusto mo? pwede bang sabihin mo kung ano pakay mo? hindi ako manghuhula na kayang basahin ang nasa pusot isip mo!
kaya ang hiling ko lang, kung wala ka din lang namang sasabihin, eh mabuti pang tigilan mo na ko. ayokong maulit yung dati. ayoko naman talaga dati sa yo eh. nadala lang ako sa kakulitan mo. nasanay lang ako na lagi kang nandyan sa tabi ko. kaya kahit wala kang sinasabi at kahit medyo malabo sa kin kung ano tayo, inamin kong nahuhulog na ko sa yo. at sinabi mo din namang ganun din nararamdaman mo di ba? pero iniwan mo ko.
tapos 4 na taon pagkatapos non, sasabihin mo sa king ako ang unang umiwas? aba, wala na sigurong taong mas lalabo pa sa yo.
kaya ngayon, habang maaga pa, tigilan na natin to. pakiramdam ko kasi, pag nagpatuloy pa tayo, mauulit lang yung dati. kasi lahat ng nangyayari ngayon, katulad din ng noon. kaya sana, bago pa ko mahulog ulit sa yo, lalo na kung wala ka din namang balak magseryoso, tigilan mo na ko.
No comments:
Post a Comment