Wednesday, October 08, 2008

somewhere

pakiramdam ko pinipiga ang puso ko habang pinapanood si maria, kumakanta ng "there's a place for us, somewhere a place for us..hold my hand and we're almost there, hold my hand and il take you there" habang yakap yakap ang katawan ng walang buhay na si tony. whew!

nanood kami nina fifi at eyva ng west side story nung linggo at sa kabutihang-palad, si joanna ampil ang nataon sa amin bilang maria.

maganda ang mga reviews ng west side story kaya ang taas ng expectations ko sa dulang iyon. maganda nga naman sya. magaling si maria. magaling din sina bernardo at anita. ok naman si riff. kaya lang si tony, medyo nabigo ako kay tony. oo maganda ang boses nya. kaya nyang kumanta. kaya lang, ang pangit nyang gumalaw. halatang nag-aalangan. parang pigil. stiff.

at ang mga tao. ginagawang sinehan lang ang teatro. late pumasok. tayo ng tayo. ano ba! dula ito. live. hindi ka pwedeng pumasok kung kelan mo lang gusto at umalis sa bahagi ng palabas na inabutan mo.

pero sa kabuuan, maayos naman ang dula. natuwa pa rin naman ako. medyo natakot lang kami nang magkaroon ng break. iniisip kasi namin, baka biglang umakyat sa stage si jolina magdangal at sabihing "due to the physical and emotional stress that my cousin (gian as riff) is experiencing, we have to cut the play short". di ba?

No comments: